Inaanyayahan ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Hagonoy ang lahat ng mga sumusuporta sa mga LGBTQIA Plus na lumahok sa isasagawang Pride Walk sa Hagonoy Sports Complex sa Hunyo 28, 2026.

News Image #1

(larawan ng SK Hagonoy)

Sa Wear Your Pride Parade Year 3, hindi lang parada kung hindi ito ay selebrasyon ng malayang pagpapahayag ng tunay na sarili, pagtanggap, respeto at pagkakaisa sa komunidad, ayon sa SK ng Barangay Hagonoy.

Ang parada ay magsisimula ng alas 3:00 ng hapon.

Ang unang 50 lalahok ay magkakaroon ng libreng t-shirt, merienda at tokens.

Mayroon ding premyo para sa mga magwawagi sa bawat kategorya ng parada.