Barado na ang EDSA Northbound bunga ng rally na isinasagawa sa People Power Monument simula kaninang madaling araw, Hunyo 30, 2026.

News Image #1

(Larawan ng MMDA)

Sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nagsimula ang pagmartsa ng may 500 katao at pagtungo ng 30 sasakyan sa EDSA-Corinthian northbound pasado alas 3:00 ng madaling araw.

Kabilang sa mga barado ang traffic:
EDSA Ortigas Service Road (Northbound)
EDSA Ortigas Flyover (Northbound)
EDSA Ortigas Flyover (Southbound)
White Plains Avenue (Eastbound and Westbound)

Narito rin ang sitwasyon sa mga sumusunod na lugar ngayong pasado alas 7:00 ng umaga:
EDSA Southbound

Scout Borromeo to Ortigas Split - Moderate to slow-moving traffic

EDSA Northbound

Guadalupe to White Plains - Moderate to slow-moving traffic

Isang linya ang okupado dahil sa mga sasakyan ng mga lumalahok sa rally.

Pinapayuhan ang mga motoristang humanap ng alternatibong daan.

(Larawan ng MMDA)