Hindi na kailangang magpa-appointment pa sa Commission on Elections - Taguig City kung nagnanais na magparehistro bilang botante.
Ayon sa Comelec-Taguig, first-come, first-served basis ang mga magtutungo sa Vista Mall Parking Building, Camella Taguig Road, Barangay Tuktukan, Taguig City kung saan naroon ang rehistrasyon ng Comelec.
(Infographic ng Comelec)
Gayunman, uunahin pa rin ang mga buntis, senior citizens, at mga persons with disability (PWDs).
Ipinaalala rin ng Comelec na iwasan ang pagpila ng madaling araw o gabi para maging ligtas at hindi mahirapan.
"Hinihingi namin ang inyong kooperasyon para sa mas maayos na pagproseso ng inyong mga aplikasyon," ang pahayag ng Comelec-Taguig.
Para mas mabiis din ang proseso ng aplikasyon, mag-print na ng registration form (isang kopya) sa long bond paper (8x13), back to back.
I-fill out bago pumunta sa tanggapan ng Comelec.
May QR code para sa registration form.
Rehistrasyon ng mga Botante sa Comelec-Taguig, Hindi na Kailangang Sumailalim sa Appointment | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
