Muling bababa sa mga barangay at iba pang lugar sa Taguig City ang Commission on Elections (COMELEC) para sa Satellite Voter's Registration at Register Anywhere Program (RAP) ngayong buong buwan ng Mayo.

Mula Mayo 2 hanggang 3, 2024, ang voter's registration ay isasagawa sa barangay hall ng Barangay Lower Bicutan mula umaga hanggang hapon.

News Image #1


Sa Mayo 4, ang pagpaparehistro ng mga botante ay isasagawa sa The Tent, Acacia Town Center Acacia Estate, Barangay Bambang.

Mula Mayo 9-11, ang voter's registration ay isasagawa sa Multi-Purpose Hall ng Barangay North Daang Hari.

Sa Mayo 16-18, ang Comelec ay magtutungo sa barangay hall ng Barangay Pembo para sa RAP.

Sa barangay hall ng Barangay Pinagsama naman isasagawa ang rehistrasyon ng mga botante mula Mayo 23 hanggang 25.

Sa Mayo 29 hanggang 30, isasagawa ang voter's registration sa headquarters ng Philippine Army partikular sa grandstand sa Barangay Fort Bonifacio.

Dadayo naman ang Comelec sa barangay hall ng Barangay Ibayo-Tipas sa Mayo 31 hanggang Hunyo 1 para sa rehistrasyon ng mga botante.

Para sa mag-aapply bilang bagong botante, transfer voter at reactivation, magdala ng isang photocopy ng valid ID o government-issued ID na nakasaad ang address sa lungsod ng Taguig na gagamitin sa pagpaparehistro.

Ang mga edad 18 bago o sa araw ng halalan ay kailangang magdala ng orihinal at photocopy ng birth certificate bilang katunayan ng edad.

(Art card mula sa Comelec Taguig)