Hanggang Martes, Enero 20, 2026, na lamang ang renewal ng business permit sa pamamagitan ng Business One-Stop Shop (BOSS) sa Taguig City.

News Image #1


Bukas kahit ngayong Linggo ang mga tanggapan ng Taguig para sa mga negosyanteng nais i-renew ang permit, mula alas 7:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon.

News Image #2


Ang Business Permits and Licensing Office (BPLO) ng Taguig ay matatagpuan sa:

•SM Aura Satellite Office, 9th floor ng SM Aura Tower sa McKinley Parkway, Bonifacio Global City, Taguig

•Convention Center ng New City Hall Building sa Cayetano Boulevard, Barangay Ususan, Taguig City.

Maaari rin namang magrenew online sa pamamagitan ng https://tlcportal.taguig.gov.ph

Maaari ring tumawag para sa dagdag na impormasyon sa:

SM Aura Satellite Office: 7795-9999 loc. 104

Taguig City Hall Office: 7795-8874

Email: [email protected]

Facebook: Business Permits and Licensing Office - City of Taguig

Sa ilalim ng BOSS 2026, mas pinasimple ang renewal ng business permit: isusumite lamang ang nakumpletong aplikasyon na may supporting documents; babayaran ang buwis at ibang bayarin makaraang maisyu ang Notice of Assessment ng City Treasurer's Office at maibibigay na ang kanilang 2026 business permit.

(Mga larawan ng Taguig City Government)