Ipalalabas na ng Pamahalaang Lungsod ngTaguig ang scholarship allowance ng mga kwalipikadong nag-apply para sa Review Assistance sa Biyernes, Mayo 23, 2025, alas 2:00 hanggang alas 3:00 ng hapon.

News Image #1


Ito ay isasagawa sa Taguig Scholarship Office sa 2nd Floor ng Senator Renato "Compañero" Cayetano Memorial Science and Technology High School, Pamayanang Diego Silang, Barangay Ususan, Taguig City.

Kailangan lamang na magdala ng 2 kopya ng kanilang balidong ID at Professional Regulation Commission (PRC) Notice of Admission (NOA) ang mga nasa listahan na aplikante sa ilalim ng Lifeline Assistance for Neighbors In-Need (LANI).

News Image #2

News Image #3

News Image #4

News Image #5


Ang Review Assistance Scholarship Type ay pang-isahang tulong pang-pinansyal para sa mga nakapagtapos na ng kanilang pag-aaral at naghahanda para sa kanilang licensure/board or bar examinations.

News Image #6

News Image #7

News Image #8


Ang mga mag-aaral na kukuha ng Bar at Medical Board ay makakatanggap ng P20,000 at P15,000 naman para sa kukuha ng ibang uri ng board exams.

News Image #9

News Image #10

News Image #11