Maaaring makita ang pinakamababang presyo ng inyong gamot sa eGovPH app.
Ayon sa Department of Health (DOH), kapag dinownload ang app sa mobile phone, madali nang masusundan ang mga hakbangin kung paano mapapasok ang Drug Price Watch gamit ang eGovPH app.
"Pwede mo nang mahanap ang presyo ng gamot na iyong kailangan pati na rin ang generic nito-mas makatitipid ng 90% dahil mas mababa ang presyo pero kasing-epektibo rin ng branded medicines," ang pahayag ng DOH.
Ang pagtangkilik sa generic medicines ay isinusulong ng DOH alinsunod sa mandato ng Universal Health Care Law na na nagpapatibay ng access ng mga Pilipino sa mura at dekalidad na gamot.
Suportado rin ito ng Generics Act of 1988.
Ipinaalala ng DOH na mahalagang sundin ang reseta ng doktorat regular na inumin ang mga maintenance medicines para maiwasan ang paglala ng sakit.
(Screenshots mula sa eGovPh app)
Sa eGovPH App, Makikita ang Pinakamababang Presyo ng Generic Medicines at Iba Pang Serbisyo ng Pamahalaan | Taguig Balita
Language: Switch to English
