Nagretiro na sa kanilang trabaho ang siyam na K9 o Narcotic Detection Dogs (NDDs) ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at sila ay ipapaampon na sa makakapag-alaga sa kanila.

News Image #1


Limang Belgian Malinois, tatlong Jack Russell Terriers, at isang Labrador, na ang average na edad ay 12 taon, ang ipapaampon sa makapagbibigay sa kanila ng masaya at komportableng buhay sa kanilang pagreretiro.

News Image #2


Ang mga bihasang bayaning aso ay nagsilbi sa mga anti-illegal drug operations sa buong bansa, naging bahagi ng mga inspeksyon sa mga kulungan, nagsilbi sa search and seizure missions, interdiction activities, at checkpoint operations sa mga paliparan, pier at transport terminals.

News Image #3


"These K9s have been loyal partners in our mission against illegal drugs. Their courage, discipline, and dedication have saved countless lives and supported countless successful operations," ang pahayag ni PDEA Director General Undersecretary Isagani R. Nerez.

News Image #4


"We owe these dogs more than gratitude. We owe them a safe, peaceful, and loving forever home where they can enjoy their remaining years in comfort," ayon pa kay Nerez.

Ang mga interesadong mag-ampon sa mga aso ay maaaring magtanong ng requirements sa Facebook Page ng PDEA na https://www.facebook.com/share/14e6nbPbGsc/?mibextid=wwXIfr o mag-email sa [email protected]

Dito rin isusumite ang application checklist at iba pang kinakailangan o magtungo ng personal sa PDEA K9 Unit Facility sa Sitio Lambakin, Barangay Sto. Cristo, San Jose Del Monte, Bulacan.

Kapag naibigay na ng aplikante ang mga kinakailangang dokumento, iinterview-hin ang aplikante at i-i-schedule para sa matching sa K9.

Patuloy ring imo-monitor ng PDEA ang kalagayan ng aso sa bagong fur parent nito.

(Mga larawan ng PDEA)