Naghahanda na ang Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig City para sa pinakamalaking pagsalubong sa Bagong Taon.
(Larawan mula sa nakaraang NYE at the 5th event)
May konsyerto na pangungunahan ng mga sikat na artists kabilang sina Apl.De.Ap ng Black Eyed Peas at Pinoy Pop superstars na SB 19 bago ang New Year's Eve countdown na katatampukan ng fireworks display.
(Larawan mula sa Bonifacio High Street FB Page)
Bubuksan ang gates ng konsyerto sa publiko ng alas 7:00 ng gabi, Disyembre 31, 2025.
Libre ang pagpasok ng general public at walang ibinebentang tiket.
Ang mga nagnanais na makapasok sa VIP standing access at kailangang sumali sa mga contest ng mga sponsors ng NYE at the 5th event upang mapagwagian ang VIP ticket.
Ang pinaka sentro ng countdown ay nasa 5th Avenue, Bonifacio High Street sa BGC, Barangay Fort Bonifacio, Taguig City.
May ilalagay ring malalaking LED screens sa kapaligiran ng BGC para sa mga hindi makakalapit sa stage.
Kabilang sa mga mga satellite viewing locations ang mga sumusunod:
• High Street Stretch
• Globe Family Hub
• Pru Life Family Hub
• Bonifacio East (Italianni's area)
• R.O.X @ 7th Avenue
• Bonifacio South Street
• Terra 28th Park
Stage at LED Screens Para sa NYE at the 5th sa BGC, Itinatayo Na | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
