Naagapan ang pagkalat ng sunog sa Samama 3, Ruhale St., Barangay Calzada Tipas, Taguig City, kaninang alas 9:00 ng umaga, Hunyo 17, 2026.
Agad na rumesponde ang Barangay Calzada Fire Brigade upang mapatay ang apoy sa naturang lugar.
Nagpasalamat si Kapitan Ome Tanyag at ang Konseho sa agad na pagtugon ng mga fore at rescue teams ng mga karatig-barangay at sa Bureau of Fire Protection ng Taguig City.
"Paalala sa ating lahat: maging maingat po tayo palagi upang makaiwas sa mga ganitong insidente. Ingatan natin ang ating mga tahanan at tiyaking ligtas ang paggamit ng kuryente at iba pang maaaring pagmulan ng sunog," ang pahayag ng Barangay Calzada Tipas.
(Mga larawan ng Barangay Calzada Tipas)
Sunog sa Barangay Calzada Tipas, Agad na Naagapan | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
