Hindi matutuloy ang Taguig-Car-Free Street activity sa may J. Burgos Street hanggang T. Alonzo Extension, Barangay West Rembo bukas, Linggo, Marso 29, 2026.
Ayon sa Pamahalaang Lungsod ng Taguig, ito ay upang bigyang-daan ang isang kaganapan sa naturang lugar.
Gayinman, ang mga aktibidad para sa Taguig Car-Free Streets sa may Cayetano Boulevard, C-5 Service Road hanggang Ecopark, Kamagong Street sa Barangay Comembo, at Negros Street sa Barangay Pitogo ay tuloy pa rin bukas.
Taguig Car-Free Street Activity sa Barangay West Rembo, Hindi Tuloy Bukas. Marso 29, 2026 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: