Tuwing Linggo, ang ilang mga daan sa Taguig City ay maaaring lakaran at paglaruan nang hindi inaala ang mga sasakyang dumadaan dahil ang mga ito ay car-free.

News Image #1


Mula alas 5:00 ng umaga hanggang alas 9:00 ng umaga, may mga wellness activities at palaro sa mga sumusunod na lugar sa Taguig:

• ⁠C-5 Service Road hanggang Ecopark
• 11th St. P. Gomez hanggang 19th St. A. Luna, Barangay West Rembo
• Kamagong Street, Barangay Comembo
• ⁠Negros Street sa Barangay Pitogo

News Image #2


Ang mga mamamayan ng Taguig ay maaaring tumakbo, mag-jogging at maglakad sa mga nabanggit na daan dahil isinasara ang mga ito sa sasakyan.

Maaari ring magbisikleta at mayroon pang libreng bike lessons at bike maintenance. Libre rin ang pagsakay sa bisikleta para sa mga bata at matatanda.

News Image #3


Mayroon ding Zumba at Tai-Chi ng alas 6:00 hanggang alas 7:00 ng umaga at mayroon ding sports tulad ng badminton, sipa at chinese garter, bukod pa sa tabletop games tulad ng chess, scrabble at sungka.

News Image #4


(Mga larawan ng Taguig City Government)