Wagi na naman sa ika-sampung sunod na taon ang Taguig City University (TCU) Varsity Pep Squad sa Cheerdance Competition sa ika-14 na Local Colleges and Universities Athletic Association (LCUAA) National Games 2025.
(Larawan ng LCUAA)
Ang cheerdance competition ay isinagawa sa San Jose del Monte Sports Complex sa Bulacan noong Oktubre 19, 2025.
(Larawan ng Taguig PIO)
Ang bawat kalahok ay nagpakita ng kanilang kakaibang enerhiya, pagkamalikhain at sabay sabay na paggalaw, subalit ang TCU ang namayani sa lahat sa kanilang Circus Theme.
Pumangalawa naman ang City College of San Jose del Monte na ang tema ay Wowowin.
At ang ikatlong medalya ay nakuha naman ng Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa kung saan ang tema naman ay Festival Colors.
Mahusay rin ang mga representante ng City College of Calamba, Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa, at Pateros Technological College.
Ang TCU Pep Squad ay ginabahan ng head coach na si Emma Ladislao at auxiliary coaches na sina Denzelle John Dailysun at Paul Dexter Victoriano.
Nakakuha ang TCU Pep Squad ng 248.5 points.
Taguig City University Pep Squad, Wagi sa ika-10 Pagkakataon sa LCUAA | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
