Masusubok muli ang galing ng Taguig Generals Softball Team sa Pebrero 15, 2026 sa laro nito sa Carmona Samurai Baseball Field sa Cavite.

News Image #1


Sinabi ni playing coach Christian Akong Tinga, maglalaro rin sila sa Taytay Coed 1 Day sa Rizal sa Pebrero 21, 2026.

Isa pang laro ang sasalihan ng Taguig Generals Softball Team sa Taytay para sa mga manlalarong 45 taong gulang pataas sa Pebrero 22.



Makikipaghamok din ang Taguig Generals Softball Team sa Pangaea Cup International Softball Tournament, sa Clark City, Pampanga sa Marso 6, 7 at 8, 2026.

(Photo at video ni Coach Christian Akong Tinga)