Ang mga Taguigeño na naghahanap ng trabaho ay maaaring magtungo sa Taguig Public Employment Service Office (PESO) na ngayon ay nasa bago nang lokasyon sa
Taguig LEAP (Livelihood & Employment & Advancement Program) Center.
Ito ay matatagpuan sa Block 3 Phase 1 Pampanga St. kanto ng 9th Avenue Barangay Pinagsama, Taguig City.
"Sa aming bagong tahanan ay makakapag-provide kami ng mas magandang serbisyo sabay sa makabago o moderno at pleasing na lugar na para sa lahat ng bawat Taguigueño," ang post ng Taguig PESO.
Binuksan kamakailan lamang ang Taguig LEAP Center na opisina ngayon ng PESO, Cooperative Development Office (COOP), Local Economic Development and Investment Promotion Office (LEDIPO), at Taguig Manpower Training and Assessment Center (TMTC).
Mayroon din itong kapehan na pinatatakbo ng mga sinanay ng TMTC.
May mga kuwarto ito para sa job fairs, trainings, at iba pang aktibidad para sa mga benepisyaryo ng Special Program for Employment of Students (SPES) at Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD).
(Mga larawan mula sa Facebook Page ni Mayor Lani Cayetano)
Taguig PESO Para sa Maghahanap ng Trabaho, Nasa Taguig LEAP Center na sa Barangay Pinagsama | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
