Nagsagawa ng Information, Education, and Communication (IEC) campaign ang Barangay Central Bicutan at Taguig City Police Station kaugnay ng lumalaganap na bawal na Thûoc Láo o "Tuklaw" (Black Cigarettes).
Ang mga mag-aaral ang dinayo ng Upper Bicutan Elementary School, Upper Bicutan National High School at Maria Asuncion Rodriguez Tiñga High School.
Sa pangunguna nina Police Capt. Joel James Jose De Guzman ng Taguig Police Sub-Station 7, Kapitan Rodjie Tangpuz, Kagawad Vena Castro at Kagawad Cris Sanares, ipinaliwanag ng mga ito sa mga mag-aaral ang samang dulot ng Tuklaw cigarettes.
Hinikayat din ang mga kabataan na umiwas sa anumang bisyo na makakasira sa kanilang kalusugan, kinabukasan, at kabuuang kapakanan.
Ang Tuklaw ay gawa sa wild tobacco plant na tinatawag na Nicotiana rustica na naglalaman ng hanggang 9% nicotine o tatlo hanggang 9 na beses na mas mataas sa regular na sigarilyo.
Natagpuan na ang Tuklaw na nanggaling diumano ss Vietnam ay mayroong dagdag na synthetic chemicals na ginaya ang epekto ng marijuana, at dahil dito ay mas malakas at nakakalason.
Ang mga nakahithit nito ay napaulat na nangingisay o nagkakaroon ng seizures, napaparalisa, nagha-hallucinate, nagkakaroon ng psychotic episodes at nagsusuka.
Maaari rin itong makamatay.
Nagpasalamat ang Barangay Central Bicutan sa pakikipagtulungan nina Dr. Erlinda Butcon, principal ng UBES; Dr. Gil Teodoro, principal ng UBNHS, at Mr. Jose Mark Bolivar, principal ng MRTHS
Taguig Police at Brgy. Central Bicutan, Nagsagawa ng Kampanya Laban sa Tuklaw | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: