Tatlong wanted sa batas ang naaresto ng Southern Police District (SPD) at Taguig City Police sa loob ng linggong ito.

Si alyas "Charlie", na pang-siyam sa Most Wanted Persons sa Taguig City dahil sa paglabag sa Section 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ay inaresto noong Oktubre 1, 2025 ng ala 1:40 ng hapon sa Barangay Katuparan, Taguig City.

News Image #1


May warrant of arrest ito na ipinalabas ni Judge Bernard Pineda Bernal ng Taguig City Regional Trial Court Branch 70, sa ilalim ng Criminal Case No. 13775-D, na may petsang Setyembre 25, 2025.

Sa kasalukuyan ay nasa Taguig City Police Headquarters Custodial Facility ang suspek.

Dalawa pa ang inaresto ng SPD at Taguig City Police nitong Oktubre 1, 2025.

Bandang alas 12:45 ng tanghali nang arestuhin si alyas Nigel, 18 taong gulang, na panglima naman sa Most Wanted sa Taguig dahil sa kasong panghahalay.

News Image #2


Naaresto ito sa Queenie Ville Subdivision, Sanga Street, Barangay Ibayo-Tipas.

Ang warrant of arrest dahil sa paglabag nito sa Article 266-A, paragraph 1(a) ng Revised Penal Code (RPC), na inamyendahan ng RA 8353 at RA 11648, kaugnay ny RA 8369, ay ipinalabas noon pang Agosto 15, 2025 ni Judge Desiree Gertrude G. Orquiola-Moldez, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 163 ng Taguig City. Walang piyansang inirekomenda para rito.

Bandang alas 2:15 naman ng hapon nang arestuhin ng pulisya si alyas Roshyllyn, 27 anyos, at pangsampu naman sa Most Wanted sa Taguig dahil sa kasong pagiingat ng ipinagbabawal na gamot.

News Image #3


Naaresto ito sa Sampaguita Street, Barangay Western Bicutan kasabay ng pagsisilbi ny Warrant of Arrest para sa paglabag nito ng Section 11, Article II ng Republic Act 9165 (Possession of Dangerous Drugs), na ipinalabas ni Judge Jonathan Honorato Del Mar Lock ng Taguig RTC Branch 267.

(Mga larawan ng SPD at Taguig City Police)