Opisyal nang naiproklama si Taguig City Mayor Lani Cayetano at ang kanyang bise alkalde at mga miyembro ng Konseho sa una at ikalawang distrito ng Taguig City kahapon, Mayo 13, 2025 sa Taguig City Convention Hall sa Barangay Ususan, Taguig City.
(Larawan ng Taguig PIO)
Kasama rin sa ipinroklama ang mga nagwaging Kongresista ng Taguig-Pateros na si Congressman Ricardo "Ading" Cruz, Jr. para sa kanyang ikalawang termino sa Kongreso.
(Larawan ng Taguig.com)
Nagwagi at naiproklama rin bilang Kongresista ng ikalawang distrito ng Taguig si Congressman Jorge Bocobo na Liga ng Barangay President.
(Larawan ng Taguig.com)
Sa pinakahuling bilang ng Commission on Elections (Comelec) sa 99.22% ng election returns kaninang alas 5:45 ng hapon, Mayo 14, 2025, si Cayetano ay nakakuha na ng 407, 299 na boto.
Ang mga katunggali nitong sina Arnel Cerafica ay nakakuha naman ng 102, 473 na boto, at Brigido Licudine ay may 6,364 na boto.
Nagwagi naman bilang bise alkalde si Arvin Ian Alit na may 334,456 na boto.
(Larawan mula sa Facebook Page ni Mayor Lani Cayetano)
Narito naman ang 12 Konsehal na nagwagi sa unang distrito ng Taguig City na ang boto ay nagmula sa 349 election returns:
1. Abogado Darwin Icay - 144,804
2. Allan Paul Cruz - 139,341
3. Jimmy Labampa - 135,593
4. Sammy Cruz - 134,267
5. Atty. Joy Panga-Cruz - 129, 196
6. Tikboy Marcelino - 121,759
7. Gamie San Pedro - 120,490
8. Kim Manzo Abbang - 120,370
9. Carlito Ogalibola - 115,805
10. Commissioner Aquino - 114,770
11. Ferdie Bro Santos - 113,383
12. Ninong Totong Mañosca - 102,423
Sa ikalawang distrito, mula sa 418 election returns, narito ang 12 Konsehal na nagwagi:
1. Gigi Bermas - 152,066
2. Nicky Supan - 151,226
3. Ivie Dizon - 146,285
4. Danny Castro - 143,176
5. Jomil Serna - 137,748
6. Alex Penolio - 136,267
7. Bing Villamor - 135,477
8. Gen Pau-tin - 134,352
9. Ed Prado - 133,801
10. Edgar Baptista - 128,239
11. Iony De Lara-Bes - 127,013
12. Marisse Balina-Eron - 126,689
Napanatili naman ni Cruz ang kanyang pagiging kinatawan ng Taguig-Pateros District makaraang makakuha ng 117,312 na boto laban kay Lino Cayetano na nakakuha ng 78,498 na boto.
Nagwagi at naiproklama bilang kongresista ng Ikalawang Distrito ng Taguig City si Bocobo makaraang makakuha ng 142,755 na boto laban sa kasalukuyang Congresswoman na si Pammy Zamora na may 115,685 na boto.
Team TLC, Nawalis ang mga Katunggali sa Halalan 2025; Opisyal nang Naiproklama | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
