Isang app ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang inilunsad upang mas maraming Pilipino ang magkaroon ng mabilis na access sa training at oportunidad sa trabaho.
(Larawan ng TESDA)
Ang TESDA Skills Passport Mobile Application, isang all-in-one digital platform, ay ang solusyon upang makita ng mga TESDA learners ang mga impormasyon kaugnay ng trainings, scholarships, employment opportunities, TESDA-accredited training institutions, at online training courses.
Mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nanguna sa paglulunsad ng app kamakailan.
Nasa app din ang direktang pag-uugnay ng mga manggagawa sa mga oportunidad sa trabaho.
Kabilang sa nakalagay sa app ang Digital Skills Passport a isa g digital portfolio, mga trabaho para makita kung ano ang aangkop sa kasanayan ng isang sinanay ng TESDA, mapa para sa TESDA training centers, pathways para sa pagplano ng learning progress at upskilling, Scholarship and Credits para sa access sa mga scholarship program, at TESDA Online Program (TOP) Integration para sa enrollment at tracking ng online courses.
Mayroon din itong AI assistant at system security para mabigyan ng proteksyon ang personal data at pag-aasiste sa mga gumagamit ng app.
TESDA Skills Passport Mobile Application, Maaari nang Ma-Download | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
