Bukas na ang TLC Park sa Laguna Lake Highway/C6 Road, Barangay Lower Bicutan, Taguig City para sa mga gustong mamasyal ngayong tag-araw.
Simula sa Abril 7, 2025, Lunes, magbubukas ang parke ng alas 6:00 ng umaga at magsasara ng alas 6:00 ng gabi. Libre ang pagpasok dito.
Mayroon itong jog path na 1.6 kilometro ang haba, mayroong lakaran na maganda ang tanawin, at iba pa.
Ang Mercado del Lago ay maaaring gamitin sa mga zumba sessions, dance rehearsals at mga aktibidad ng grupo.
Maaari ring dalhin ang mga pets kung nais na ilakad ang mga ito sa parke.
"Whether you're into fitness or just want to stay active, TLC Park has something for you," ang pahayag ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig.
Mayroon ding palaruan para sa mga bata, bike lane, picnic area at pet park.
"Explore and create moments with your kids, family, and pets-all in one place. Unwind by the lake and reconnect with the community through these nature-filled and local experiences," ang dagdag pa ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig.
Kitang-kita sa TLC Lakeside ang Laguna Lake at ang malapit dotony Mercado del Lago ay mayroong mga tindahan ng mga gulay, prutas at handmade goods lalo na kung may Weekend Farmer's Market.
(Mga larawan ng Taguig.com)
TLC Park, Bukas na sa mga Mamamasyal Simula Abril 7, 2025 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
