Binuksan sa publiko ang TLC Park sa Lakeshore Drive, Barangay Lower Bicutan, Taguig City kahapon, Marso 25, Lunes Santo upang makapagmuni-muni at makapagdasal ang mga Taguigeno ngayong Semana Santa.


(Video clip mula sa live streaming ng I Love Taguig FB Page)

Pinamagatang "The Life of Christ," ang mga art installations ang magsisilbing paalala sa mga mananampalataya kaugnay ng buhay, hirap, kamatayan at muling pagkabuhay ni Hesukristo.

May inilagay na prayer corner at confession corner kung saan maaaring isulat ang mga hinihiling at ang paghingi ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan.

News Image #1


Mayroon ding gratitude corner kung saan ang mga bagay namang ipinagpapasalamat ang maaaring isulat sa papel. Mayroong sampayan na puwedeng pagsabitan ng mga mensahe o dasal.

Bukod dito, mayroong 14 na reflection panels at stations of the cross kung saan nakasulat ang mga Bible verses, reflections at dasal sa bawat istasyon ng Krus.

News Image #2


(Mga larawan ng Taguig PIO)