Patuloy na bukas ang TLC Playpark sa C6 Road Barangay Lower Bicutan, Taguig para sa mga batang edad 3 hanggang 12 taong gulang.
Maaaring magpa-book online para makapasok at makapaglaro ang mga bata, kasama ang tagabantay mula Martes hanggang Linggo, alas 6:00 AM hanggang 9:00 AM at alas 4:00 PM hanggang 9:00 PM.
Ang mga bata ay maaaring maglaro sa mga ligtas na palaruan at interactive games.
Upang makapagpa-book online, i-click ang link: https://tlcportal.taguig.gov.ph
(Mga larawan ng Taguig City Government)
TLC Playpark sa C6 Road, Bukas ng Martes Hanggang Linggo | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
