Bukas na ang TLC Playpark na nasa Laguna Lake Highway/C6 Road, Barangay Lower Bicutan, Taguig City.

News Image #1


Ito ay katabi ng Taguig Lakeshore Carnival o The Lights of Christmas (TLC) Park.

Pormal na binuksan kaninang umaga, Disyembre 20, 2025, sa pangunguna ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang naturang park.

News Image #2


"A joyful and creative space for child wellness, creativity, and learning, the TLC Playpark offers world-class play equipment thoughtfully designed with cultural storytelling," ang post ni Cayetano sa kanyang social media page.

News Image #3


Labingisa ang pangunahing palaruan nito na kinabibilangan ng Giant Slide, Pirate Ship, Fish Bone Play Equipment, Eagle Climber, Play Mantis, at iba pa na dinisenyo upang makapaglaro at matuto ang mga batang Taguigeño.

News Image #4


"Ang Playpark po ay nilikha bilang isang ligtas, makabuluhan, at masayang espasyo para sa mga kabataang Taguigeño, kung saan hinuhubog ang kanilang imahinasyon, pagpapahalaga, at pagmamahal sa komunidad," dagdag pa ng alkalde.

Ang TLC Playpark ay bukas para sa mga batang edad 5 hanggang 12 taong gulang, kasama ang kanilang mga magulang at tagapagbantay.

(Mga larawan mula sa Facebook Page no Mayor Lani Cayetano)