Simula Mayo 2, 2024, ang trabaho sa pamahalaang lungsod ng Taguig ay mula alas 7:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes.

News Image #1


Ang memorandum ay ipinalabas ng pamahalaang lungsod ng Taguig kasunod ng memorandum ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nasa ilalim ng Resolution No. 24-08, Series of 2024 na inaatasan ang lahat ng local government units sa Metro Manila na baguhin ang kanilang oras ng trabaho upang makatulong sa pagpapaibsan ng bigat ng daloy ng trapiko sa National Capital Region (NCR).

Hindi lamang ang City Hall ng Taguig ang magiging 7:00 am hanggang 4:00 pm ang oras ng trabaho kung hindi maging ang iba pang opisina na nasa ilalim ng pamahalaang lungsod.

Ang mga gabay at dagdag na kautusan ay ipapalabas sa mga susunod na araw ng pamahalaang lungsod ng Taguig.

(Larawan mula sa Taguig PIO)