May pansamantalang traffic re-routing sa paligid ng Activity Ground ng Barangay Ususan mula Hulyo 23 hanggang Agosto 1, 2026.

Ito ay bilang paghahanda sa mga kaganapan sa selebrasyon ng ika-128 anibersaryo ng pagkakatatag ng barangay.

News Image #1



Narito ang mga posibleng ruta:

๐Œ๐ฎ๐ฅ๐š ๐๐š๐ญ๐ž๐ซ๐จ๐ฌ ๐ฉ๐š๐ญ๐ฎ๐ง๐ ๐จ๐ง๐  ๐‚๐š๐ฒ๐ž๐ญ๐š๐ง๐จ ๐๐จ๐ฎ๐ฅ๐ž๐ฏ๐š๐ซ๐
โ€ขDumaan sa General Luna Street patungong M.L. Quezon Street, o gamitin ang mga itinalagang two-way roads sa paligid ng P. Mariano Street.

๐Œ๐ฎ๐ฅ๐š ๐‚๐š๐ฒ๐ž๐ญ๐š๐ง๐จ ๐๐จ๐ฎ๐ฅ๐ž๐ฏ๐š๐ซ๐ ๐ฉ๐š๐ญ๐ฎ๐ง๐ ๐จ๐ง๐  ๐๐š๐ญ๐ž๐ซ๐จ๐ฌ
โ€ขDumaan sa Bagong Calzada at sundin ang rerouting papuntang Tomasa Avenue at M.L. Quezon Street.

๐Œ๐ ๐š ๐ฉ๐š๐ฉ๐š๐ฌ๐จ๐ค ๐ฌ๐š ๐†๐ž๐ง๐ž๐ซ๐š๐ฅ ๐‹๐ฎ๐ง๐š ๐’๐ญ๐ซ๐ž๐ž๐ญ
โ€ขAsahan ang limitadong pagpasok dahil sa mga aktibidad. Sundin ang mga one-way traffic signs at gabay ng traffic enforcers.

๐๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐ซ๐ž๐ฌ๐ข๐๐ž๐ง๐ญ๐ž ๐ง๐  ๐’๐š๐ฆ๐ฉ๐š๐ ๐ฎ๐ข๐ญ๐š, ๐†๐ฎ๐ฆ๐š๐ฆ๐ž๐ฅ๐š, ๐ƒ๐š๐ก๐ฅ๐ข๐š, ๐‘๐จ๐ฌ๐š๐ฅ ๐š๐ญ ๐ฆ๐ ๐š ๐ค๐š๐ฅ๐š๐ฉ๐ข๐ญ ๐ง๐š ๐ค๐š๐ฅ๐ฌ๐š๐๐š
โ€ขGamitin ang mga itinalagang two-way roads upang makapasok at makalabas ng lugar. Sundin ang mga directional signages na ipatutupad habang may programa.

๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—บ๐—ผ๐˜๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ ๐˜„๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ๐—ฑ๐˜†๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ป๐˜‚๐—ฒ
โ€ขPinapayuhang gamitin ang Bagong Calzada o iba pang alternatibong ruta upang maiwasan ang mabigat na daloy ng trapiko sa paligid ng Activity Ground.

May mga Traffic Enforcers at Barangay Public Safety Officers na aalalay sa mga motorista para sa pagbabago ng ruta, ayon sa Barangay Ususan.

Ipinayo rin ng barangay ang pag-iwas sa pag-park sa mga lugar na may nakalagay na Bawal Pumarada o No Parking at sa mga rutang ginagamit para sa rerouting.