Isang 26 na taong gulang na tricycle driver ang inaresto sa Barangay Tanyag, Taguig City ng mga tauhan ng Taguig City Police Station Drug Enforcement Unit noong gabi ng Huwebes, Abril 25, 2024.

News Image #1


Nakuha kay alyas Saiden ang dalawang heat-sealed transparent sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na 25.38 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P172, 584.00.

News Image #2


Sa buy-bust operation na isinagawa sa Barangay Tanyag bandang alas 11:45 ng gabi noong Huwebes, nagpanggap na bibili ng ipinagbabawal na gamot ang isang ahente ng Taguig Police at nagbigay ng isang tunay na P 500.00 pera at anim na P 1, 000.00 boodle money.

Habang nagpapalitan ng kabayaran at hinihinalang droga, inaresto ng mga otoridad si Saiden kung saan nakuha rin sa kanya ang mga drug paraphernalia.

Kakasuhan si Saiden ng paglabag sa Sections 5 at 11 Article II ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Taguig City Prosecutors Office.

(Larawan mula sa Taguig City Police)