Sa pagsikat ng ube sa ibang bansa, lalo na at ginagamit na sa mga inumin, pastries at maging sa culinary dishes sa Europe, Australia at Amerika, nagpahayag ng pag-aalala ang ilang nagtatanim at nagnenegosyo nito sa Pilipinas na baka hindi matugunan ang lumalakas na demand para sa purple yam.

News Image #1

(Larawan ng Taguig.com)

Sa pinakahuling aktibidad sa New York City, inilunsad ang Ube food festival na naklatuon sa iba't ibang ube delicacies ng Pilipinas.

Ang Starbucks sa Amerika ay naglabas din ng kanilang "Ube Spring Drinks" na maaari ring mabili sa United Kungdom, New Zealand, Australia, Italy at Netherlands.

Ang Bohol Province ang pinakamalaking producer ng ube sa Pilipinas, kung saan ito ang nakakasakop sa 35% ng kabuuang produksyon ng bansa.

Gayunman, nahaharap din sa iba't ibang hamon ang mga nagtatanim ng ube sa Bohol katulad ng kakulangan ng planting materials, ang production practices ay hindi ganoon ka-scientific at huli rin ito sa teknolohiya.

Bumabagsak din ang ube production sa bansa bago pa ito sumikat sa ibang bansa, Batay sa data ng Philippine Statistics Authority (PSA) umabot lamang sa 30,074 metriko tonealda ang ubeng nagawa noong 2006. Ito ay mababa pa ng higit sa 50% sa kabuuang produksyon nong 2020 na 14,000 metriko tonelada.

Upang matugunan ang problemang ito, ang Philippine Root Crop Research and Training Center ng Visayas State University (VSU-PhilRootcrops) katuwang ang Bohol Island State University (BISU) ay pinamunuan ang pagdevelop ng makabagong pamamaraan ng pagtatanim ng ube na itinuro sa mga magsasaka ng Bohol.

Kabilang sa itinuro ay ang pamamaraan na minisett. Ito ay ginagamit sa agrikultura bilang mabilisang pamamaraan ng pagpaparami ng ube o purple yam, kung saan ang malusog at buong "mother" tuber ay pinuputol sa maliliit na piraso.

Sa pamamagitan ng minisett propagation technique, ang mga magsasaka ay maaring maka-produce ng mahigit sa 30 de-kalidad na planting materials, kaysa sa kasalukuyang napo-produce na 7 hanggang 10 planting materials mula sa isang kilo ng ube sa ilalim ng tradisyonal na pagtatanim.

Sa minisett propagation technique, inilalagay muna ito sa isang seedbed para sa germination.