Itinakda sa bagong iskedyul sa Hulyo 21, 2025 ang Urban Gardening Seminar sa Barangay Napindan, Taguig City mula ala 1:00 hanggang alas 4:00 ng hapon.
(Larawan ng Taguig Agriculture Office)
Isasagawa ang seminar sa ikatlong palapag ng Napindan New Barangay Hall.
Una itong itinakda ngayong Hulyo 8, 2025.
"Sa ating probinsyudad, patuloy nating pinapalakas ang mga programang pangkalusugan at nutrisyon-mula sa sinapupunan hanggang paglaki ng mga kabataan," ang pahayag naman ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig kaugnay ng selebrasyon ng Nutrition Month ngayong Hulyo.
(Larawan ng Taguig PIO)
Ang Taguig City Nutrition Office ang nanguna sa flag-raising ceremony sa New Taguig City Hall sa Barangay Ususan kahapon kasabay ng pagsisimula ng sesyon ng bagong konseho ng lungsod.
(Larawan ng Taguig PIO)
Ang mga gulay at prutas na ipinamamahagi ng City Nutrition Office sa Taguig Love Caravan ay nagmumula sa urban gardens ng Taguig.
Urban Gardening Seminar sa Barangay Napindan, Na-Reschedule sa Hulyo 21, 2025 ng 1-4 PM | Taguig Balita
Language: Switch to English
