Status quo ang isyu kaugnay ng pagdaan ng mga motoristang hindi residente o walang sticker sa Holy Family Village sa Barangay Bagumbayan, Taguit City.
(Larawan ng Barangay Bagumbayan)
Ayon sa social media post ng Barangay Bagumbayan, wala pang depinitong napagkasunduan kaugnay ng panukalang gate access schedule ng walang sticker mula sa Holy Family Village Homeowners' Association.
"Ibig sabihin, hindi muna ipatutupad ang mga bagong access restrictions na nakapaloob sa ipinanukalang 'No Sticker, No Entry' policy habang hinihintay ang resulta ng mga susunod na pag-uusap at koordinasyon ng mga kinauukulan. Ang mga umiiral na patakaran at kasalukuyang operasyon ng mga gate ay mananatiling epektibo sa ngayon," ang paliwanag ng barangay.
Patuloy naman ang pagsasagawa ng konsultasyon at pagtalakay sa naturang isyu.
Nagpasalamat din ang Barangay Bagumbayan sa
Pamahalaang Lungsod ng Taguig, sa pamamagitan ng City Executive Legal Office at City Administration, "sa kanilang agarang pagtugon at pakikipag-ugnayan upang mabigyan ng maayos na proseso at pagkakataon ang lahat ng panig na maipahayag at mapag-usapan ang kanilang mga concern."
Nagpasalamat din ang barangay sa Holy Family Village Homeowners' Association "sa kanilang pakikipagtulungan at pagiging bukas sa patuloy na dayalogo para sa kapakanan ng mga residente at ng ating komunidad."
Tiniyak din ng barangay na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga ahensyang may kinalaman sa daloy ng biyahe at road works sa Paso Street at iba pang kailangang agarang aksyon ng mga ahensya.
Usapin sa Pagdaan ng mga Motoristang Walang Sticker sa Holy Family Village, Status Quo Muna | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
