Nasagasaan ng bus ang kaliwang paa ni Romnick Cambiado, 28 taong gulang, makaraang tumilapon siya sa kanyang motorsiklo.

News Image #1


Kinailangang putulin ito hanggang sa kanyang tuhod dahil nadurog ang mga buto.

Sa kabila ng kanyang kapansanan, nanatiling positibo si Romnick at hindi naging hadlang sa kanyang pagsusumikap na magtayo ng negosyong pagluluto ng beef pares at pares mami.

Ang kanyang paresan na malapit sa Taguig-Pateros District Hospital ay patok sa mga customer, hindi lamang dahil viral ang kanyang mga video sa TikTok, kung hindi mura at masarap pa ito. (I-click ang video sa ibaba mula sa TikTok account na Kapares Mami TV ni Nick Cambiado)



Sa halagang P55, may pares na at kanin ang oorder, samantalang ang pares mami naman ay nagkakahalaga ng P45.

Umaabot sa tatlo hanggang apat na malalaking kaldero ng pares ang kanyang naibebenta araw-araw.

Maaaring matagpuan ang viral videos ni Romnick sa kanyang TikTok account na Kapares Mami TV sa ilalim ng pangalan niyang Nick Cambiado.