Kinikilala ng Southern Police District (SPD) ang pag-aalala ng publiko sa kumakalat na video kaugnay ng pamamaraan ng isang pulis, na nakatalaga sa Region IV-A, sa paghawak sa sitwasyon na may kaugnayan sa banggaan ng kanyang sasakyan at sasakyan na minamaneho ng isang 76 na taong gulang na lalaki sa Barangay Bagumbayan, Taguig City kahapon ng tanghali, Hunyo 2, 2026.

News Image #1

(Screenshot sa video ni Robinson Tumampos)

Inatasan ng SPD ang Taguig City Police Station na magsagawa ng mas malalimang imbestigasyon sa pangyayari upang mailantad ang kumpletong katotohanan at mga dahilan kung paano nauwi sa tensyon ang naturang banggaan sa may ML Quezon Avenue, Barangay Bagumbayan.

"The Southern Police District emphasizes that all police personnel are expected to observe professionalism, restraint, and respect for the rights and dignity of all individuals at all times," ayon sa SPD kasabay ng pagtiyak na ilalapit nila sa Police Regional Office 4A ang pangayayari upang malaman kung dapat na patawan ng anumang administrative action ang kanilang tauhan.

News Image #2

(Larawan ng SPD)

"We appreciate the public's concern and continued support for the Southern Police District and the Philippine National Police. We likewise remind everyone to exercise vigilance, responsibility, and discernment when posting, sharing, or commenting on content online to help prevent the spread of misinformation and ensure that public discussions remain guided by verified facts," dagdag pa ng SPD.

Tiniyak din ng SPD na sila ay nagsusulong ng "transparency, accountability, and due process," habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Hinihikayat din ng pulisya ang publiko na hayaan ang mga kinauukulang otoridad na alamin ang mga katotohanan sa pangyayari base sa mga ebidensiya at hindi lamang sa mga bahagi ng video na kumakalat online.