Walang kawala sa mga tauhan ng Southern Police District (SPD) ang mga puganteng nagtatago sa batas makaraang masentensiyahan.

Ang pang-limang most wanted person sa Parañaque City ay naaresto ng mga otoridad sa Taguig City noong Hulyo 8, 2026.

News Image #1

(Larawan ng Taguig.com)

Sa bisa ng isang warrant of arrest dahil sa kasong nabigong pagpatay, naaresto ng mga pulis si alyas Frederick, 26 na taong gulang, sa Road 5 Barangay North Daang Hari, Taguig City noong Miyerkules ng alas 4:30 ng hapon.

Ang warrant of arrest ay ipinalabas ni Judge Mariam Guzon Bien, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 153 noong Hulyo 6, 2026, at may rekomendadong piyansang ₱200,000.00.