Isang libo animnaraan at animnapu't siyam na metriko toneladang melon ang inani ng mga magsasaka ng Taguig City sa 66 na ektaryang taniman ng naturang prutas sa Laguna Lake Highway / C6 Road sa Barangay Wawa, Taguig City.

News Image #1


Bilang pasasalamat sa masaganang ani, ang pamahalaang lungsod ng Taguig ay nagsagawa ng Melon Fest sa Melon Farm ng Barangay Wawa noong Abril 11, 2024.

"Masarap isipin na modern na ang panahon ay mayroon pa rin na tradisyon, bahagi ito ng ating kasaysayan na di nalilimutan at dapat lang na di malimutan," ayon kay Taguig City Mayor Lani Cayetano na nanguna sa pagdiriwang.

Mahigit 60 mga magsasaka ng melon ang kasama sw kasiyahan kung saan nagkaroon ng pagtatanghal ng pagsasayaw at musika, at gayundin ang sabayang pagkain o Filipino boodle meal.


"Sa pamamagitan ng selebrasyon natin ngayong araw na ito ay mas lumalim ang kaalaman ng mga Taguigeño lalo na ang mga kabataan sa ating mayaman na kultura at kasaysayan," dagdag pa ni Cayetano.

(Larawan mula sa Taguig PIO)