Namahagi ang Barangay East Rembo ng tulong pinansiyal sa 40 tricycle drivers at 60 motorcyle taxi drivers o service delivery riders sa barangay upang maipandugtong sa kanilang gastos sa gasolina kahapon, Hunyo 9, 2026.

News Image #1


Sa pamamagitan ng Fuel Subsidy Program ng barangay, nabigyan ng tig-₱1,000 ang mga nakapagparehistrong drivers na mga lehitimong residente ng Barangay East Rembo.

News Image #2


"This initiative aims to help ease the burden of rising fuel costs and provide assistance to tricycle and Service Motorcycle drivers," ang pahayag ng barangay na pinamumunuan ni Kapitana Thelma Ramirez.

News Image #3



Ang distribusyon ay naganap sa East Rembo Covered Court sa 6th avenue kahapon ng alas 2:00.

(Mga larawan ng Barangay East Rembo)