Inilunsad ng Taguig City Government ang 120 araw na feeding program para sa mga batang malnourished sa Barangay Lower Bicutan, Taguig, noong Martes, Hunyo 2, 2026.

News Image #1


Tinukoy ang mga batang kulang sa nutrisyon na edad lima pababa na bibigyan ng masustansyang pagkain sa "feeding sessions" tuwing Lunes at Biyernes.

News Image #2


Binigyan din ang mga magulang ng nutrition plan na angkop sa pangangailangan ng kanilang anak.

Sa loob ng 120 araw o apat na buwan, ang mga benepisyaryong bata ay inaasahang magkakaroon ng magandang pagbabago ang kalusugan at lagay ng nutrisyon.

News Image #3


Ang bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng 10 itlog, 3.5 kilo ng bigas, isang supot ng tinapay, at mga sangkap sa pagluluto ng munggo sa isinagawang paglulunsad ng programa.

Ang programang ito ng Taguig ay sinimulan noon pang 2017 upang matiyak na ang mga batang Taguigeño ay tama ang sukat at timbang at hindi nahuhuli ang kapasidad na mental at pisikal.

(Mga larawan ng City Nutrition Office ng Taguig)