Sinimulan na ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig ang 120 araw na programang pang-nutrisyon sa mga batang Taguigeño sa paglulunsad ng 2026 Dietary Supplementation Program sa Barangay Calzada Multipurpose Building kahapon, Hulyo 21, 2026.
Bibigyan araw-araw, o 120 araw, ang mga kwalipikadong bata ng mga pagkaing mayaman sa nutrisyon.
Ito maman ay iniimplementa rin sa lahat ng mga barangay sa Taguig kung saan inaasahang mapapalusog at mapapalaki ng mas maayos ang mga undernourished na bata na edad 6 hanggang 59 na buwan.
Sa tema ng programang "Masustansyang Pagkain Isabay sa Gatas ni Nanay," ang paglulunsad sa Barangay Calzada ay dinaluhan ng 38 batang edad 6 hanggang 59 buwan, kasama ang kanilang mga magulang at tagabantay.
May lecture din para sa mga magulang at tagapag-alaga ng bata kaugnay ng kalusugan, nutrisyon, tamang pagpapakain ng bata, paghahanda ng pagkain, at iba pa.
Nakatanggap ang mga bata ng nutrition packs na kinabibilangan ng mga gulay at prutas, oats, biscuits, iodized salt, fortified wafers, gatas, itlog, keso, sabaw, pasta, at iba pang fortified food.
Ang mga pagkain sa nutrition pack ay sadyang pinili upang ma-supplement ang pangangailangan ng bata sa diet nito.
Mayroon ding feeding kit na kinabibilangan ng kutsara, tinidor, pinggan at tasang gagamitin ng bata sa kabuuan ng programa.
Sinabi ni Assistant City Health Officer Dr. Maria Natividad Monsod na mahalaga ang tamang nutrisyon lalp na sa panahong lumalaki ang bata.
Hinikayat din ni Monsod ang mga magulang na aktibong lumahok sa programa.
"The Dietary Supplementation Program is a promotive, preventive, and rehabilitative intervention para ma-improve ang kalusugan at nutritional status ng mga undernourished children sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga pagkaing sagana sa nutrisyon para sa kanilang paglaki."
Ang Dietary Supplementation Program ay pinamamahalaan at minomonitor ng Barangay Nutrition Scholars (BNS).
Sa loob ng 120 araw, ang mga kalahok na bata ay makakatanggap ng mayaman sa nutrisyon at balanseng pagkaing susuporta sa malusog na pagtaas nf timbang, tamang paglaki at pagtalas ng kaisipan at malusog ang kabuuang pangangatawan.
Isinusulong din ng programa ang tamang pantulong na pagkain habang nagpapadede ang ina.
Ang pantulong na pagkain sa ilalim ng programa ay hindi pamalit sa benepisyo ng gatas ng ina.
(Mga larawan ng Taguig City Government)
120 Araw na Nutrition Program sa mga Batang Taguigeño, Inilunsad sa Barangay Calzada | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
