Ang ikatlong Most Wanted Person sa Taguig City ay naaresto ng mga otoridad sa Barangay Wawa, Taguig City noong umaga ng Setyembre 10, 2025.

News Image #1

(Larawan ng Taguig City Police)

Ang suspek na 18 taong gulang ay akusado sa panghahalay sa isang menor de edad.

Napag-alaman na si alyas Nathaniel ay wanted sa krimeng Statutory Rape a paglabag sa Article 266-A, Paragraph 1 ng Revised Penal Code, at inamyendahan ng Republic Act 8353 at 11648, may kaugnayan sa RA 8369.

Ang warrant of arrest laban dito ay inilabas ni Judge Loralie Cruz Datahan ng Regional Trial Court, Branch 69 ng Taguig City.

Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section na pinangungunahan ni Police Captain Camilo N. Fajardo Jr., kasama ang SDIT RIU-NCR ang humuli dito sa tahanan nito.

"The Taguig City Police reiterated its commitment to pursuing and arresting law offenders, particularly those included in the Most Wanted list, to ensure that justice is served and peace and order in the community is maintained," ang pahayag ng Taguig City Police.