Hindi lamang ang mga dalagang kabataang taga-Taguig City ang maaaring lumahok sa paligsahan ng kagandahan para sa Mutya ng Taguig 2024.

Maaari na ring lumahok kahit ang mga nasa treinta anyos hanggang senior citizens basta't may karapatan pang rumampa sa entablado ng pagandahan at talento.

Hindi lamang ang limitasyon sa edad ang tinanggal ng Taguig City kung hindi maging ang marital at parental status ng mga mag-a-apply para sa patimpalak kagandahan.

Sa Abril 12, 2024, Biyernes ang huling araw ng aplikasyon para sa Mutya ng Taguig 2024 beauty pageant at narito ang mga kwalipikasyon:
• Residente ng Taguig City kasama ang mga EMBO (enlisted men's barrio) barangays
• May isa o dalawang magulang na Filipino citizen
• High school graduate o higit pa
• Babae nang ipinanganak
• Walang limitasyon sa edad pero kailangang nasa 18 taong gulang na sa araw ng patimpalak
• Dalaga, may-asawa, biyuda, kahit may mga anak na

Hindi na rin kinakailangang residente ng Taguig City ng isang taon upang mahikayat ang mga taga-EMBO barangays na lumahok sa patimpalak.

Kailangan lamang na punan ang form na ito para sa paglahok sa Mutya ng Taguig 2024 bit.ly/MutyaNgTaguig2024

"Use this platform to empower women, share your vision and make a difference," ang pahayag ng Taguig City Government.
(Art card mula sa Taguig PIO)