Dalawang araw na makakatikim ng mga pagkain mula sa iba't ibang lugar ng Pilipinas ang mga Taguigeño at iba pang mamamayan sa Regional Food Fest na pangungunahan ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig sa Mayo 11 at 12, 2024 sa kanto ng Arca Boulevard at Interchange Road, Barangay Western Bicutan, Taguig City.

News Image #1

(Art card mula sa Taguig PIO)

Bilang bahagi pa rin ng selebrasyon ng ika- 437 anibersaryo ng pagkakatatag ng Taguig, mga booths na may mga pagkain mula sa iba't ibang rehiyon sa bansa ang ilalagay sa Arca Boulevard sa Mayo 11, ganap na alas 4:00 ng hapon hanggang alas 9:00 ng gabi, at sa Mayo 12, alas 10:00 ng umaga hanggang alas 9:00 ng gabi.

Kabilang sa matitikman at mabibili ay ang longganisa ng Ilocos, lechon ng Cebu at ang palapa ng Lanao del Sur.

News Image #2

(Screenshot mula sa Lanao del Sur Tourism Public Information)

Ang palapa ay isang matamis na maanghang na side dish ng Maranao na kung saan ito ay mayroong tinadtad na sakurab o white scallions, dinikdik na luya, may luyang dilaw, siling labuyo at tinustang kinudkod na niyog.

Maaari ring itong gamitin bilang pampalasa sa iniluluto o gawing salad dressing.