Matagumpay na naaresto ng Taguig City Police ang mga nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot sa Barangay Western Bicutan, Taguig City makaraang malaglag sa kamay ng mga ito ang dalawang lalaki noong gabi ng Abril 10, 2024.

News Image #1


Tatlumpung gramo ng hinihinalang shabu na nakalagay sa anim na plastic sachet ang nakuha kina alyas Belga, 50 taong gulang, at alyas Gaut, 21 taong gulang, noong Miyerkules ng alas 10:45 ng gabi sa Barangay Western Bicutan.

Nagpanggap ang isang ahente ng Taguig City Police na bibili ng ipinagbabawal na gamot at iniabot na ang dalawang P200 bills na ginamit na buy-bust money nang magsilabasan ang mga kasamahan nitong pulis at inaresto ang dalawa na may dalawang humigit kumulang sa ₱204,000 halaga ng hinihinalang shabu.

Sa ngayon ay nasa Taguig Custodial Facility na ang dalawang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(Larawan mula sa Taguig City Police)