Dalawang Pilipinong mandaragat ang nasawi sa pinakahuling drone strikes sa mga barkong naglalayag sa hilagang Black Sea at sa pier sa Ukraine.
(Larawan ng Marino PH mula sa M/V Arosa na tinamaan ng drone sa Chornomorsk, Ukraine)
Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Cacdac, ang 12 pang Pilipinong seafarers ang nasugatan at isa pa ang nawawala.
Sa pinakahuling ulat kahapon, Hulyo 20, 2026, 9 na barko na may sakay na Pilipinong mandaragat ang inatake habang naglalayag sa hilagang bahagi ng Black Sea o naka-himpil sa mga pier sa katimugang Ukraine.
(Larawan ng Marino PH)
Samantala, ligtas nang nakabalik sa bansa ang apat na Pilipinong mandaeagat na kabilang sa mga tripulante ng M/V GFS Galaxy na hinarang at inatake habang tumatawid sa Strait of Hormuz noong Hulyo 12, 2026.
(Larawan ng DMW)
Sinabi ng Department of Migrant Workers (DMW) na ang mga mandaragat ay dumating sakay ng Emirates Airlines Flight EK336 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 madaling araw noong Linggo, Hulyo 19.
Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang DMW sa mga manning agencies ng mga apektadong Pilipino upang matiyak na matutulungan ang mga ito ng husto.
2 Pilipinong Mandaragat, Nasawi; Isa pa ang Nawawala sa Drone Strikes sa Black Sea at Ukraine | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
