Masusing iniimbestigahan ng Philippine Navy (PN) ang dahilan ng pagbagsak ng helicopter ng Philippine Navy sa Cavite City noogn Abril 11, 2024, na naging dahilan ng kamatayan ng dalawang piloto nito na sina Lieutenant Jan Kyle Q. Borres, 36 taong gulang, at Ensign Izzah Leonah S. Taccad, 27 taong gulang.

News Image #1


"Emphasizing the paramount importance of safety, the Philippine Navy reaffirmed its dedication to rigorous aircraft inspections and maintenance protocols to ensure airworthiness. They have vowed to conduct a thorough investigation into the cause of the crash to prevent future occurrences," ang pahayag ni Armed Forces of the Philippines public affairs office chief Colonel Xerxes Trinidad.

News Image #2


Dumalaw sa burol ng dalawang sundalo sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio, Taguig City kahapon, Abril 13, 2024, ang Pangalawang Pangulong Sara Duterte.

Nagpahayag ng kanyang pakikiramay si Duterte sa mga naiwan ng dalawang sundalo ng Philippine Navy at binigyang pugay ang serbisyo at sakripisyo ng mga ito para sa bansa, ayon kay Philippine Navy Spokesperson Commander John Percie Alcos.

Samantala, nagtungo naman sa burol ng mga nasawing sundalo si AFP chief General Romeo Brawner Jr. noong Abril 12, 2024.

Tiniyak naman ni Brawner sa pamilya nina Borres at Tacad ang buong suporta ng AFP sa mga naulila ng mga ito.

Sina Borres at Taccad ang mga piloto ng Navy training helicopter Robinson R22 NHT421 na bumagsak malapit sa isang pampublikong palengke sa Cavite City noong Huwebes.

(Larawan mula sa Armed Forces of the Philippines)