Hanggang P20,000 halaga ng gamot ang maaaring makuha kada taon ng libre ng mga pasyenteng hindi naka-admit sa ospital sa pamamagitan ng PhilHealth-GAMOT.
Simula ngayong araw na ito, Huwebes, Agosto 21, 2025, ang mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa pamamagitan ng paketeng Guaranteed and Accessible Medications for Outpatient Treatment (GAMOT) ay makakakuha na ng 75 klase ng libreng gamot sa PhilHealth-accredited facilities.
Sa ilalim ng PhilHealth Circular No. 2025-0013, ang mga gamot sa mga impeksyon, asthma, nervous system disorders, diabetes, high cholesterol, high blood pressure, at iba pang heart conditions ang kasama sa maibibigay ng libre.
(Tingnan ang listahan sa ibaba)
Samantala, narito ang listahan ng accredited PhilHealth GAMOT facilities na makukunan ng libreng gamot:
Sa paglulunsad ng PhilHealth GAMOT ngayong Huwebes, sinabi ni PhilHealth President at Chief Executive Officer Edwin Mercado na ito ay bahagi ng Yaman ng Kalusugan Program para mailayo sa sakit ang bawat Pilipino (YAKAP) program.
"Dun po sa ating datos ang isa sa malaking out-of-pocket spending ng ating mga kababayan ay doon sa tinatawag nating medical goods. Kung baga mga gamot, mga gamit na ginagastusan natin paglabas ng hospital," ayon kay Mercado.
Noong una ay 21 lamang ang libreng gamot sa ilalim ng Konsultasyong Sulit Tama or Konsulta benefits package. Dinagdagan ito ng 54 pang gamot.
Upang makakuha ng bagong Gamot package, magrehistro muna bilang benepisyaryo ng
PhilHealth YAKAP program.
Maaaring gawin ang rehistrasyon sa eGovPH app, maaari ring puntahan ang PhilHealth member online portal, at sa mismong tanggapan ng PhilHealth offices, o sa pamamagitan ng iba pang channels.
Ang mga benepisyaryo ay kailangang kumuha ng reseta sa YAKAP o PhilHealth-accredited na doktor bag makakuha ng libreng gamot sa GAMOT facility.
Kailangang magpakita ng anumang government-issued ID at reseta ng doctor sa kukuhanan ng gamot.
Mayroon ding 4,300 GAMOT partner clinics kung saan makukuha rin ng mga miyembro ng PhilHealth members ang bagong benepisyong ito.
₱20,000 na Halaga ng 75 Gamot, Makukuha ng Libre ng mga PhilHealth Members sa Ilalim ng YAKAP Program Taun-Taon | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
