Dalawang kaso ng panghahalay sa bata ang kinakaharap ng isang 23 taong gulang na lalaking naaresto sa Barangay Palingon-Tipas, Taguig noong Hunyo 2, 2026.
Sa isinagawang manhunt operations ng National Capital Region Police Office (NCRPO) , naaresto ang lalaking suspek makaraang mailabas ang warrant of arrest laban dito noong Mayo 11, 2026.
Dalawang kaso ng Statutory Rape sa ilalim ng Article 266-A, Paragraph 1 ng Revised Penal Code, na inamyendahan ng Republic Act 11648 ang kinakaharap ng suspek, bukod sa paglabag sa Republic Act 8353, na may kaugnayan sa Republic Act 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act).
Walang piyansang inirekomenda laban sa suspek kaya't hindi mabibigyan ng pansamantalang kalayaan.
Sa kasalukuyan ay nasa Taguig City Police Station ang suspek.
"The arrest of one of our region's most wanted individuals sends a clear message: there is no safe haven for criminals in Metro Manila, especially those accused of crimes against children. The NCRPO will remain relentless in tracking down high-value targets to support the courts and ensure that those who exploit the vulnerable face the full force of the law," ang pahayag ni Police Major General Anthony A. Aberin, hepe ng NCRPO.
23 Taong Gulang na Lalaking May 2 Kaso ng Panghahalay sa Bata, Arestado | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
