Isang 28 taong gulang na Pilipinong mandaragat ang natagpuang patay sa isang gas tanker ng Singapore na nakahimpil sa Ao Makham, Wichit, Phuket, Thailand noong Lunes ng gabi, Agosto 25, 2025.

Ang Pilipinong hindi pa pinangalanan ay natagpuang nakabigti bandang alas 5:00 ng hapon noong Lunes.

News Image #1

(Larawan ng Marino PH)

Ang mga opisyal ny Wichit Police Station, kasama ang forensic specialists at isang doktor ay umakyat sa tanker bandang alas 6:35 ng gabi upang magsagawa ng pangunang eksaminasyon.

Naka-uniporme pa ang Pilipinong seafarer nang matagpuang nakabigti. Walang iba pang marka ng sugat o panlalaban sa biktima. Wala ring senyales na may sapilitang pumasok sa kinaroroonan nito.

Ang labi ng Pilipino ay inilipat sa Vachira Phuket Hospital para sa otopsiya.