Tatlong araw na jeepney strike sa buong bansa ang pinaghahandaan ngayon ng mga jeepney drivers at operators bilang protesta sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) at ang nakatakdang deadline sa consolidation ng mga prangkisa ng jeepney sa katapusan ng Abril.

News Image #1


Ang tatlong araw na jeepney strike na pangungunahan ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) ay isasagawa sa Abril 29 hanggang Mayo 1, Araw ng Paggawa.

Sinabi ni PISTON Deputy Secretary General Ruben Baylon na kailangan nilang magprotesta upang ipaglaban ang kabuhayan ng mga nasa sektor ng transportasyon na maaapektuhan ng jeepney modernization program ng pamahalaan.

Ayon pa kay Baylon, itutuloy nila ang pagba-biyahe sa kanilang mga kasalukuyang ruta kahit makalipas ang deadline para sa consolidation deadline.

"Karapatan ng mamamayang Pilipino na maglingkod sa sambayanan. Kung kaya, kahit na matapos ang deadline, hindi titigil sa pamamasada ang mga drayber at operator," ang pagbibigay-diin ni Baylon.

Ang PISTON ay nakikipaglaban sa modernisasyon ng pampasaherong jeepney, dahil mawawalan anila sila ng ikabubuhay kapag na-phase-out ang traditional jeepney, simula pa noong 2017.

(Starting May 1, jeepneys that fail to consolidate will be apprehended. Filipinos have the right to serve their communities. Even after the deadline, drivers and operators will continue their routes.

Una nang tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na wala nang ibibigay pang pagpapalawig sa franchise consolidadtion sa ilalim ng modernization program para sa jeepney.