Tatlo ang nasawi sa General Santos City sa 7.8 magnitude na lindol na tumama sa katimugang bahagi ng Mindanao kaninang 7:37 ng umaga, Hunyo 8, 2026.
Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), 10 ang nailigtas sa General Santos City at dalawa ang nasugatan.
Dalawa naman ang sugatan at dalawa ang nasugatan sa Sarangani.
Sa South Cotabato, pito ang sugatan.
Labingapat na gusali ang nasira sa General Santos City.
Nasa code red ang BFP Regions 11 at 12 habang patuloy ang Search and Rescue Operations.
Nagsasagawa ngayon ng operasyon sa Savemore at CPAVI Warehouse Calumpang sa General Santos City.
"While our forces are on the move, we express our sympathies and prayers for our affected citizens in the earthquake-struck areas," ang pahayag ng BFP.
3 Patay, 11 Sugatan at 12 Nailigtas ng BFP sa 7.8 na Lindol sa Katimugang Mindanao | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
