Umabot sa 38,873 na mga senior citizens sa Taguig ang nabakunahan ng libreng anti-flu vaccine sa dalawang linggong kampanya ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig.

News Image #1


Sa ilalim ng programang "Taguig Flu-Tektado sina Lola at Lolo: Flu, Malalabanan! Komplikasyong Pneumonia, Maiiwasan," may proteksyon na sa flu at ang matinding epekto nito na pneumonia ang mga naturang seniors.

News Image #2


"Getting vaccinated helps protect you against flu and possible complications such as pneumonia, helping you stay healthy and safe," ang pahayag ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig.

Ang pagbabakuna ay ginawa sa mga itinakdang venue sa barangay sa Taguig

Isandaan at dalawampung libo ang mga nakarehistrong senior citizens sa Taguig.

(Mga larawan ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig)