Isang drug den sa Barangay Palingon-Tipas, Taguig City ang nawasak ng mga otoridad makaraan ang isang buy-bust operation na isinagawa rito noong gabi ng Abril 15, 2024.

News Image #1


Apat katao ang naaresto sa loob ng bahay na nagsilbing drug den sa Barangay Palingon Tipas bandang 8:45 ng gabi.

Sa pinagsamang operasyon ng Southern Police District-SDO, at Taguig City Police Sub-station 5, naaresto sina alyas June, 52 taong gulang na tindero na sinasabing nagtutulak ng ipinagbabawal na gamot, alyas Michael, 42 gulang na pintor na nahuling gumagamit ng ipinagbabawal na gamot kasama sina alyas Joy 44 taong gulang na tindera ng gulay at isang alyas Maribel, 44 taong gulang na mananahi.

Nakuha sa mga ito ang 40 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱272,000.00, 1 tunay na ₱1,000 bill, 39 piraso ng ₱1,000 boodle money at may nakumpiska pang .38 revolver na may dalawang bala.

Haharapan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Section 5,6 at 13 sa ilalim ng Article II of RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(Larawan mula sa SPD)