Ipinagdiriwang ang Land Transportation Safety Month sa Taguig City.
Nagpahayag ng pasasalamat si Taguig Mayor Lani Cayetano sa mga drayber sa tungkulin nito ww mga mananakay upang maihatid ng ligtas sa kanilang patutunguhan.
"Patuloy nating hiling sa lahat ng gumagamit ng kalsada - maging responsable, alerto, at disiplinado sa lahat ng oras," ang pahayag ni Cayetano sa kanyang social media account makalipas ang flag raising ceremony sa harap ng Taguig City Hall.
Pinarangalan din sa seremonya ang mga natatanging barangay sa pamamagitan ng Lupong Tagapamayapa Incentive Awards (LTIA).
Kabilang sa mga pinarangalan ang:
Brgy. North Daang Hari
Brgy. Lower Bicutan
Brgy. Post Proper Southside
Brgy. Pitogo
"Malaki ang papel ng ating mga peacemakers sa kaayusan ng ating komunidad. Sila ay nagpapatibay ng pagkakaunawaan, pagkakaisa, at kapayapaan sa bawat barangay," ang pahayag pa ng alkalde.
(Larawan ng Taguig.com)
4 na Barangay sa Taguig, Pinarangalan sa Pagiging Pangunahing Tagapamayapa | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: